Moderna COVID-19 vaccine, darating na sa susunod na linggo

Tuloy na ang pagdating sa bansa ng Moderna COVID-19 vaccine sa June 25.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon, bahagi ito ng 20 million doses ng Moderna vaccine na kukunin ng bansa.

Aniya, nasa huling bahagi na rin ang negosasyon ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., para sa pagbili ng 40 million doses ng Pfizer.


Dagdag pa rito ang tinatrabahong pagbili ng single dose na bakuna ng Johnson & Johnson at Janssen.

Bukod pa rito, may mga usapan na rin para sa donasyon ng Pfizer, Moderna at J&J.

Facebook Comments