Modernization Bill ng BFP, inaprubahan na ng Senado

106

Inaprubahan na ng Senado ang Bicameral Conference Committee Report kaugnay sa Bureau of Fire Protection (BFP) Modernization Bill.

Labing-apat na senador ang pumabor sa report at apat ang tumutol kabilang sina; Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Senator Kiko Pangilinan at Senator Nancy Binay.


Nag-abstain naman sina Senator Aquilino Pimentel III at Senator Risa Hontiveros.

Sa deliberasyon sa plenaryo nitong Miyerkoles, sinabi ni Senator Ronald Dela Rosa na siyang sponsor ng panukala, na “best reconciled version” ang ipinasa ng bicam.

Base sa napagkasunduan, tanging aarmasan lamang ang mga tauhan ng Special and Protection Unit (SPU) para malimitahan din ang mga tauhan ng BFP na hahawak ng baril.

Bawat BFP station ay mayroong SPU na kabibilangan ng 14 na tauhan, may dalawang team leaders na may ranggong Fire Inspector.



Ang SPU members ay bibigyan ng handgun, body armors at body cameras, at sila ang magbibigay seguridad sa mga kapwa bombero.

Facebook Comments