MODERNIZATION PROGRAM | Dry run para sa mga modernong jeepney, ikinasa ng mga transport group

38

Manila, Philippines – Nagsagawa ng dry run ang mga transport group sa modernong jeepney bilang bahagi ng modernization program ng gobyerno.

Nagbigay ng libreng sakay ang FEJODAP at Pasang-Masda sa mga pasahero mula SM North, Quezon City hanggang Monumento, Caloocan City.

Ayon kay Pasang-Masda President Ka Obet Martin, karamihan sa kaniyang mga natanong na pasahero ay payag na itaas ang pamasahe sa P10 mula sa kasalukuyang P8.

Kasabay nito, umapela si FEJODAP President Zeny Maranan sa gobyerno na huwag silang pahirapan sa pag-utang sa mga government bank para sa financing ng modern jeepney na nagkakahalaga ng 1.5 hanggang 1.6 million pesos.

Facebook Comments