Inaasahang mas magiging aktibo sa pangangalaga sa kalikasan ang mga mag-aaral sa Lingayen matapos itatag ng Local Youth Development Council sa Lingayen ang Modular Material Recovery Facility sa Pangasinan National High School.
Ang Modular MRF ay magsisilbing sentro ng tamang segregasyon, koleksyon, at pansamantalang pag-iimbak ng recyclable at biodegradable na basura sa loob ng paaralan.
Layunin nitong maitanim sa kabataan ang disiplina sa wastong pamamahala ng basura alinsunod sa Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Hinihikayat ang mga mag-aaral at iba pang kabataan sa bayan na makiisa sa pamamahala ng basura bilang panimulang hakbang sa maka-kabataang pagkilos para sa kalikasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







