MODUS | Babaeng nanloloko sa mga gustong magpulis, kalaboso

16

Kalaboso ang isang babae na nangangako sa kaniyang mga biktima na ipapasok sa Philippine National Police (PNP) kapalit ng pera.

Kinilala ang suspek na si Dianne Navarez, 29-anyos na naaresto sa Barangay Vitalez, Parañaque City.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Guillermo Eleazar, modus ng suspek ang manghingi ng pera sa mga gustong pumasok sa pagkapulis sa pangakong ilalapit niya ang mga ito sa kaniyang kasamahan umano sa “fraternity” na si Deputy Director General Camilo Cascolan.

Si Cascolan ang dating hepe ng NCRPO na kasalukuyang hepe ng PNP directorial staff.

Paglilinaw ni Eleazar, walang palakasan sa pagpasok sa PNP at lahat ay dadaan sa tamang proseso.

Nahaharap sa kasong swindling at robbery extortion ang suspek.

Facebook Comments