MOIRA AT THE JUANS, MAGPE-PERFORM SA PAGBUBUKAS NG SANTIAGO SPORTS ARENA

Cauayan City – Kapana-panabik ang magaganap na inagurasyon ng Santiago Sports Arena sa darating na ika-24 ng Pebrero.

Sa inilabas na anunsyo ng LGU Santiago, bibisita upang magperform sa gaganapin inaugural concert ang sikat na OPM Artist na sina Moira Dela Torre at ang Pop Band na The Juans.

Kilala ang The Juans na siyang kumanta ng awiting “Hindi Tayo Pwede”, habang si Moira naman ay ang siyang kumanta ng hit songs na “Titibo-


Tibo”, “Paubaya”, “Tagpuan”, at iba pa.

Inaanyayahan naman ng LGU Santiago ang lahat ng mga Santiagueño na tunghayan ang pagbubukas ng Santiago Sports Arena, at makisaya sa gaganaping concert.

Facebook Comments