Moira dela Torre, nagsalita na sa hiwalayan nila ng asawang si Jason Hernandez

124

Binasag na ng singer na si Moira dela Torre ang kanyang katahimikan kaugnay sa isyu ng hiwalayan nila ng songwriter-husband na si Jason Hernandez.

Sa kanyang Facebook account, inihayag ni Moira na ang mga nangyari sa kanyang sa nakalipas na dalawang taon ay mahirap, masakit at heartbreaking para iproseso.

Diretsahang sinabi rin ni Moira na sa kabila ng masakit na karanasan, naging totoo siya sa kanyang marriage vows at never na nag-cheat kay Jason.


Kasabay nito, humingi ang singer sa kanyang mga taga-hanga ng respeto lalo na’t mahirap para sa kanya ang kanyang pamilya ang kanilang sitwasyon ngayon at nangyari sa pagsasama nila ng asawa.

Matatandaang Martes ng kumpirmahin ni Jason sa kanyang Facebook post na hiwalay na sila ni Moira matapos ang tatlong taong pagsasama.

Umamin din si Jason na naging unfaithful siya kay Moira sa panahon ng kanilang marriage.



2019 ng ikasal sina Moira at Jason.

Facebook Comments