Mommy Pinty, niresbakan ang isang basher ni Alex G

To the rescue ang ina ni Alex Gonzaga na si mommy Pinty matapos i-bash ang TV-host/vlogger.

Nitong Sabado, nag-post si Alex ng kanyang throwback photo sa kanyang Instagram noong nagbakasyon siya sa New York City.

Isang netizen ang nag-comment at tinawag na “palengkera” at “pokpok” si Alex.


Hindi na nakapagtimpi si mommy Pinty ay nireplayan ang basher.

Sa ngayon, burado na sa IG post ni Alex ang comment ng netizen at ang sagot ni mommy Pinty.

Pero nagawang i-screenshot ni Alex ang comment at inilagay sa kanyang IG stories na may caption na: ‘wag niyo ginagalit si #tipints!”

Facebook Comments