Mom’s Choice Manila, ibinahagi ang techniques para pumatok ang negosyo sa masa

40

Sa gitna ng pandemic ay mas lalo pang lumakas ang online business ng proud mommy na si Beverly Datiles.

Sa interview ng Business as Usual, sinabi ni Datiles na mas pumatok ang Mom’s Choice Manila na isang reselling business o nauuso ngayon na pasa-buy deliveries dahil sa mga gustong magpa-deliver.


Paliwanag ni Datiles, sinusubukan muna kasi niya ang iba’t ibang produkto bago ito ialok sa customers at kausapin ang mga suppliers para sa ibibigay sa kaniyang discount.

Mula sa mga ipinagmamalaking buko pie ng Laguna hanggang sa masarap na sisig ng Pampanga ay available ito sa Mom’s Choice Manila.

Facebook Comments