Mon Tulfo, sakop na rin ng imbestigasyon ng DOH

48

Kasama na ring iniimbestigahan ng Department of Health (DOH) ang iligal na pagpapabakuna ni Special Envoy to China Ramon Tulfo.

Kasunod ito ng pag-amin ng dating broadcaster na naturukan na siya ng Sinopharm vaccine kahit hindi pa ito awtorisadong gamitin sa bansa.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maging ang mga distributor o supplier na nagbibigay sa kanila ng mga bakunang wala pang Emergency Use Authorization (EUA) ay iimbestigahan at papanagutin kung mapapatunayang nagkaroon ng paglabag.

Facebook Comments