MONITORING SA MGA SAKAHAN PARA SA SECOND CROPPING SEASON SA MANGALDAN, ISINAGAWA

Isinagawa ng Department of Agriculture (DA)-PhilRice Batac ang monitoring sa mga rice ratoon areas o sakahan para sa second cropping season sa bayan ng Mangaldan bilang paghahanda sa nalalapit na panahon ng tag-init.

Kasama ang Municipal Agriculture Office, nilibot ng mga ito ang ilang ratoon areas sa iba’t-ibang barangay at nakipag-usap na rin sa mga magsasaka.

Ito ay bilang pagtitiyak na maayos ang taniman ng palay lalo pang lumakas ang produksyon ng palay.

Ayon ito sa inisyatibo ng tanggapan sa ilalim ng proyektong “Refining Ratooning Technology for Rice Harvested in Main Crop” na layon na mapalakas ang tamang pamamahala sa mga pananim na palay at ratooning practices sa buong Ilocos Region.

Hangad ngayon ng tanggapan na magtagumpay ang nasabing proyekto nang sa gayon ay yumabong pa ang produksyon ng palay ng mga magsasaka sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments