Monster frog – nahuli ng isang lalaki sa Texas

524

Manila, Philippines – Nagviral sa social media ang picture ng isang lalaking taga-Texas na may hawak na isang ‘monster frog’.

Ayon kay Mark Rangel, nahuli niya ang giant bullfrog sa isang fishpond sa Bastesville, South Texas.


Batay sa Facebook page ng South Texas Hunting Association, totoo ang palakang ito at hindi Photoshop.

Pero ayon kay Steve Lightfoot, tagapagsalita ng Texas Parks and Wildlife Department, hindi naman ito ganun kalaki lalo na kapag nakita sa personal.

Nagmukha lang umano itong malaki dahil sa anggulo ng camera.
DZXL558

Facebook Comments