Morale ng mga sundalong naka-deploy sa Mindanao, nananatiling mataas

131

Marawi City – Sa kabila ng pagkamatay ng maraming sundalo sa pakikipaglaban sa Maute Terror Group nananatiling mataas ang kanilang morale.

Sa katunayan ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, ngayon lang nangyari ito sa kanilang hanay sa loob ng maraming panahon.

Paliwanag pa ni Padilla, sa ilalim kasi ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kanilang commander-in-chief ay napakataas ng morale ng mga sundalo.


Kaugnay nito ay nagpasalamat si Padilla sa tiwalang ibinibigay ng Pangulo sa Armed Forces.

Hindi naman aniya lingid sa kaalaman ng publiko na talagang lantaran ang suporta ng pangulo sa AFP.

Facebook Comments