Most wanted carnapper, nahuli ng PNP-HPG

249

Naaresto ng Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group – Special Operations Division (HPG-SOD) ang kanilang number 1 most wanted sa carnapping sa kanilang ikinasang operasyon sa bisinidad ng Solaire Hotel & Resorts Casino.

Kinilala ni PNP-HPG Director PBgen. Alexander Tagum ang suspek na si Josef Felix Marquez ng Brgy. San Jose, Tagaytay City.


Hinuli ito sa bisa ng warrant na inisyu noong Pebrero 20, 2020 ng Regional Trial Court Branch 102 ng Sta. Rosa City, Laguna.

Si Marquez ay sangkot sa ilegal na pagbili ng mga sasakyan sa pamamagitan ng “technical carnapping”, credit card fraud, at real estate scams sa NCR, Region 3 at Region 4-A.

Panawagan naman ni Tagum sa mga naging biktima ni Marquez na makipag-ugnayan lang sa HPG para makapagbigay pa ng impormasyon na may kinalaman sa mga ilegal na aktibidad ng suspek.

Facebook Comments