Most wanted na miyembro ng Abu Sayyaf Group, arestado sa

62

Tawi-Tawi – Arestado ng mga tauhan ng Joint Task Force Tawi-Tawi ang isa sa mga most wanted na miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Barangay Kamagong, bonga, alas 10:30 nang umaga kahapon.

Kinilala ang ASG member na si Ibno Moro, notoryus na bomb expert sa ilalim ng pamumuno ni Sulu-based ASG leader Radullan Sahiron.

Si moro ay sangkot sa ilang kaso ng pagpatay at pagdukot at pang-walo sa most wanted sa probinsya ng Tawi-Tawi.

Samantala, isa pang ASG member ang naaresto naman ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at ng Joint Task Force Zamboanga sa Barangay Guiwan noong July 13.

Ayon kay Col. Leonel Nicolas, commander ng JTF Zamboanga – ang bandido na si Abdulmubin Kudalat Salamuddin, alyas “Mubin” ay ang siyang nagsu-suplay ng mga baril at bala sa teroristang grupong nakabase sa Sulu.

Sangkot si Salamuddin sa Sidapan kidnapping noong 2002.

Facebook Comments