Most wanted na NPA commander, arestado sa Ozamis City

226

Ozamis City – Naaresto sa isinagawang joint operation ng 102nd Infantry Brigade ng 1st Infantry Division ng Philippine Army at Philippine National Police ang isang most wanted at kumander ng New People’s Army (NPA).

Kinilala ito ni Brigadier General Rolando Joselito Bautista ng 1st Infantry Division na si Rommel Salinas, front secretary ng Western Mindanao Regional party committee.


Si Salinas na may limang warrant of arrest sa ibat-ibang kaso ay nahuli bandang alas-sais kagabi sa barangay Gango, Ozamiz City.

Nakuha sa pag-iingat ni Salinas ang isang hand grenade at iba pang mahahalagang dokumento.

Agad idineretso sa Ozamis City PNP si Salinas kasama ang misis nitong si Maria Teofifina Morales at dalawang iba pa.

DZXL558




Facebook Comments