Most Wanted Person sa Inabangan, Bohol naaresto ng PNP Anti-Kidnapping Group

43

Nahuli ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group Visayas Field Unit (AKG-VFU) katuwang ang lokal na pulisya ang most wanted person sa Inabanga, Bohol kahapon.

Batay sa ipinadalang impormasyon ni AKG Director Police Brigadier General Jonnel Estomo kay PNP Chief General Debold Sinas, ang suspek ay kinilalang si Danilo Añosa na inaresto sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong rape.


Wanted is Añosa sa kasong panggagahasa sa isang babaeng may diperensya sa pag-iisip sa Brgy. Uog, Inabagan, Bohol noong August 20, 2020.

Si Añosa ay nagtago matapos ang krimen at ilang buwang pinaghahanap bago nasakote.

Sa isang intelligence operation, natukoy ang lugar ng suspek sa Barangay Sua, Inabanga, Bohol na naging dahilan para matagumpay na maisilbi ang warrant of arrest laban sa kanya.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Inabanga Municipal Police Station at nakatakda nang iharap sa korte sa pagsauli ng warrant.




Facebook Comments