Most wanted person sa Lingayen at Vigan na may kasong rape at pagnanakaw, arestado

67

Hindi na nakapalag pa ang dalawang indibidwal na most wanted person sa Lingayen at Vigan matapos maaresto sa isinagawang manhunt operation ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa La Union at Abra.

Sa ulat ng PNP-CIDG, kinilala ang naarestong most wanted person sa Lingayen na si Manuel Biguas, 66-anyos at lider ng Biguas group na sangkot sa nangyayaring swindling sa Lingayen, Binmaley, Pangasinan, at San Fernando City, La Union.


Naaresto si Biguas sa Brgy. Sevilla, San Fernando City, La Union sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong dalawang counts of rape.

Habang ang isa pang naaresto ay kinilalang si Rolly Radiosa na most wanted person sa Vigan City at nahuli ng mga pulis sa Montessori Terminal, Bariquir, Zone 5, Bangued, Abra.

Pinuno ang suspek ng Radiosa group na sangkot naman sa robbery at theft activities sa Vigan City, Ilocos Sur.

Facebook Comments