MOST WANTED SA LA UNION AT SAN CARLOS CITY, ARESTADO SA MAGKAHIWALAY NA OPERASYON

Naaresto ng mga pulis sa magkahiwalay na operasyon sa La Union at Pangasinan ang mga itinuturing na pinaka-wanted na personalidad ng La Union at San Carlos City.

Inaresto ng mga operatiba ng Bacnotan Municipal Police Station at La Union Provincial Intelligence and Detective Management Unit sa Brgy. Poblacion, Bacnotan, La Union ang 43-anyos na tricycle driver na itinuturing na Top Most Wanted Person sa lalawigan.

Hinuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa Article III ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act, na may inirekomendang piyansang P200,000.

Samantala, sa San Carlos City, Pangasinan, nadakip ng mga operatiba ng San Carlos City Police Station si alias “Atoy,” 26-anyos na kabilang sa listahan ng Most Wanted Persons ng lungsod.

Hinuli siya sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong carnapping na may inirekomendang piyansang P300,000.

Ang dalawang suspek ay nasa kustodiya na ng kani-kanilang himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at karampatang parusa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments