Motibo sa Pagpatay sa Brgy. Captain, Tukoy na

66

Cauayan City, Isabela- Tinitignan ngayong motibo ng pulisya sa pagpatay sa isang Kapitan ng barangay ang posibleng matagal na umanong alitan sa pagitan ng biktima at Cabeza Group.

Kahapon (May 8,2021) ng pagbabarilin sakay ng kanyang minamanehong Mini Dump Truck ang biktimang si Renante Ritarita, 46-anyos, may-asawa ng dalawang hindi pa matukoy na gunmen pasado ala-4:45 sa Brgy. Remebella, Buguey, Cagayan.


Lumabas sa imbestigasyon ng PNP Buguey, minamaneho ng biktima ang kanyang Mini dump truck mula sa bahay ng isang Ceasar Dumlao at kanyang inihatid ang lupa na gagamitin sa pagtatambak sa lugar.

Papauwi na sana ang biktima sa kanyang bahay ng bigla na lamang itong makailang beses na pagbabarilin sa kanyang iba’t ibang bahagi ng katawan ng dalawang nakaboneteng suspek na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Nakita umano ng ilang residente malapit sa lugar na may dalawang lalaki ang sakay ng SUV at dala-dala ang mahabang mga baril.

Matapos ang insidente, agad na tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng national road.



Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang labing-anim (16) na basyo ng bala ng kalibre M16 rifle 5.56.


Nakita rin sa lugar ang belt bag ng biktima na naglalaman ng P11,890; dalawang piraso ng magazines para sa caliber 45, kanyang cellphone at handheld radio.

Inalerto naman ang mga checkpoint para sa posibleng ikadarakip ng mga suspek sa pagpatay sa kapitan.

Facebook Comments