Friday, October 16, 2026

Motibo sa pamamaril sa babaeng manager ng condo sa Makati City, sinisilip na ng mga awtoridad

Sinisilip na ng Makati City Police Office ang iba’t ibang anggulo sa naganap na pamamaril sa isang babaeng manager sa Chino Roces Avenue, Barangay Pio del Pilar, Makati City kaninang umaga.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, posibleng work-related ang motibo sa insidente.

Patuloy naman ang case build-up at imbestigasyon sa nangyaring pamamaril.

Ayon kay Brgy. Pio Del Pilar Kagawad Dennis Pancipane ang biktima ay 42-anyos na babaeng manager ng isang condominium sa Makati City na pinagbanaril pasado alas-7:00 kaninang umaga.

Aniya, siyam na bala ang ipinutok ng mga suspek na riding in tandem sa biktima na nakapag-U turn sa area at pumasok sa parking space ng isang establisimiyento na mayroong mga nakatambay na guwardiya.

Agad namang dinala ang biktima sa Makati Medical Center habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Facebook Comments