MOTION FOR RECONSIDERATION | Kampo ni dating CJ Sereno, pursigidong mag-apela sa kanyang diskwalipikasyon sa Korte Suprema

32

Manila, Philippines – Naniniwala si dating Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno na magbabago pa rin ang pananaw ng mga mahistrado sa naging desisyon ng mga ito sa quo warranto petition na nagpatalsik sa kanya sa puwesto.

Ito aniya ang dahilan kung bakit maghahain pa rin sila ng motion for reconsideration sa Korte Suprema.

Sinabi ni Sereno na sa katunayan, may mga desisyon na nabaliktad kaya buo ang kanyang paniniwala na mangyayari rin ito sa kanya.

Naniniwala naman si Sereno na kaya siya tinanggal sa pamamagitan ng quo warranto dahil alam ng walong mahistradong pumabor sa petisyon na malulusutan niya ang impeachment trial.

Facebook Comments