Motor rider, Naka-ICU matapos na mahulog kasama ang sinasakyang motorsiklo sa isang butas sa gilid ng national highway

15

Kalibo, Aklan — Naka-ICU ngayon ang isang motor rider matapos na mahulog kasama ang sinasakyang motorsiklo kagabi sa butas sa gilid ng national highway ng Brgy. Estancia, Kalibo, Aklan. Ang biktima ay nakilalang si Mark Alvin Flores, 30-anyos at residente ng Brgy. Manocmanoc, Boracay. Sa imbetigasyon ng Kalibo PNP ay lumalabas na galing sa direksyon ng Banga ang biktima at papuntang Kalibo pero pagdating sa lugar ay hindi nya napansin na merong butas ang gilid ng kalsada, nawalan ito ng control at nahulog. Merong steel plate ang butas pero hindi naman ito naka takip at walang maayos na warning device. Napag-alaman na ang nasabing butas ay gawa ng isang telephone company para sa kanilang linya. Ang aksidente ay nirespondehan ng mga taga MDRRMO Kalibo at saka dinala sa hospital ang biktima.
(Pnp Kalibo)

Facebook Comments