Motorcycle Taxi TWG, ininspeksyon ang training facility ng Angkas

49

Ininspeksyon ngayong araw ng Motorcycle taxi Technical Working Group (TWG) ang training facility ng Angkas upang i-evaluate ang compliance nito sa mga requirement na itinakda ng National Task Force (NTF) Against COVID-19.

Ito kasi ang magiging batayan ng gobyerno kung compliant ang motorcycle taxi player sa lahat ng requirements upang payagan silang makabalik sa kalsada bilang MC taxi player.


Inaasahang magsisimulang muli ang operasyon ng mga compliant MC taxi players sa mga kalsada sa darating na Lunes.

Nagpasiya si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade at MC taxi TWG Head at Land Transportation Office (LTO) Asec. Edgar Galvante na payagang makabalik operasyon ang mga motorcycle taxis sa kalsada sa kondisyon na ang mga ito ay susunod sa mga safety and health protocols na itinalaga ng gobyerno upang masiguro ang proteksyon ng mga rider at pasahero.

Facebook Comments