Motorcyle riders na lumabag sa motorcycle riding policy, umabot na sa halos 21,000 ayon sa JTF COVID Shield

41

Umakyat na sa 20,960 na mga motorcycle violator ang nahuli ng Joint Task Force COVID Shield na mga lumabag sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF) kaugnay sa back-riding policy mula August 1 hanggang kahapon August 13, 2020.


Ayon kay JTF COVID Shield Commander P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar, 19,431 sa mga nahuli ang may sakay na pasahero na walang gamit na authorized barrier sa kanilang motor.

16,885 sa mga ito ang binigyan lang ng citation, habang 2,546 naman ang dinala sa istasyon ng pulis.

1,529 naman ang nahuli na gumagamit nga ng barrier pero hindi naman Authorized Person Outside of Residence o APOR ang kanilang sakay.

1,258 sa mga ito ang inisyuhan ng citation habang 271 naman ang dinala sa police station.

Batay sa umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine, tanging mga APOR lang ang pinapayagang lumabas ng bahay.

Pero una nang sinabi ni Eleazar na papayagan nila ang mga hindi APOR na motorcycle drivers ngunit dapat ay maghahatid at susundo lamang ng mga health at essential workers.




Facebook Comments