Motorista, patay sa road accident sa Taguig

136

Taguig City, Philippines – Patay ang motor rider na si Denver Suarez, matapos mabangga sa dalawang kotse sa Mc Kinley Road, BGC, Taguig City kagabi.

Si Suarez, residente ng Western Bicutan ay nasawi dahil sa tinamong pinsala sa ulo.


Batay sa imbestigasyon, binabaybay ng biktima ang Mc Kinley Road papuntang EDSA nang bumangga ito sa isang Toyota Avanza na may plakang ABE-9705.

Nawalan ng balanse ang rider kaya tumilapon sa kabilang linya ngunit nabangga naman ito ng isa pang paparating na Toyota Vios na may plakang AAW 7443.

Sinubukan pang i-revive ng rumespondeng ambulabsya ang biktima ngunit binawian din ng buhay bunsod ng tinamong tama sa ulo.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang posibleng pananagutan ng dalawang driver na nakabangga sa biktima.
DZXL558




Facebook Comments