Motoristang naaksidente sa Tangalan at nasa kritikal na kondisyon, hindi pa nakikilala

9

Kalibo, Aklan — Nasa kritikal na kondisyon ang hindi pa nakikilalang motorista matapos na maaksidente kaninang madaling araw sa Brgy. Pudiot, Tangalan, Aklan. Ayon kay PSSgt. Mijares ng Tangalan PNP na nananatiling unidentified ang biktima dahil wala itong identification card na dala. Nagtamo ng malubhang pinsala sa ulo ang biktima. Meron ding helmet na narekober sa lugar pero hindi pa nila malaman kung ito ay suot ng biktima ng ito’y maaksidente. Lumalabas sa kanilang imbestigasyon na nag overshoot ito sa kalsada sa posibleng nakatulog o naka inum. Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Tangalan PNP kasabay rin ng kanilang panawagan na kung sino ang may pamilya na hindi pa nakauwi ay makipag ugnayan sa kanila para ma verify.

Facebook Comments