MOTORSIKLO AT KOTSE SA STA BARBARA, PANGASINAN, NAGSALPUKAN; DALAWA, NASAWI

Nasawi ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo matapos ang naganap na banggaan noong gabi ng huwebes sa Maningding, Sta. Barbara, Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakainom ang driver ng motorsiklo at inagawan umano ng linya ang kotse.

Dahil dito, nagpang-abot ang dalawa kung saan nadurog ang motor at malaking bahagi naman ng kotse ang nasira.

Isinugod pa sa ospital ang 21 anyos na driver ng motorsiklo at 35 anyos na backride nito ngunit parehas na nasawi.

Sugatan din ang driver at mga sakay ng kotse na napag-alamang menor de edad na nasa kustodiya na ng DSWD.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya ukol sa pananagutan ng mga sangkot at kabuuang danyos sa naganap na aksidente.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments