Motorsiklo na Sumalpok sa Poste, 1 Patay 1 Sugatan

Cauayan City, Isabela- Patay ang backrider habang sugatan ang drayber ng isang motorsiklo matapos sumalpok sa concrete post sa kahabaan ng Brgy. Dy-Abra na isa sa mga liblib na lugar ng Tumauini, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Jomel Gonzalez, 21 taong gulang, binata, magsasaka at residente ng Cumabao, Tumauini habang ang sugatan ay nakilalang si Joel Balucas, 20 taong gulang, binata, magsasaka at residente rin ng brgy Dy-Abra.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bumabaybay ang motorsiklo sa lansangan patungo sa barangay Cumabao sa naturang bayan at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay aksidenteng bumangga ang minamanehong motorsiklo sa konkretong poste ng kuryente na nasa gilid ng kalsada.


Tumilapon sa daan ang dalawang sakay ng motorsiklo at nagtamo ang mga ito ng matinding pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Dinala sa ospitala ang drayber maging ang angkas nito subalit idineklarangd ead on arrival (DOA) si Gonzalez dahil sa malalang head injury.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang ginamit na motorsiklo na walang plaka para sa tamang disposisyon habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon.

Facebook Comments