Motorsiklo naaksidente, driver patay, back rider sugatan

2629

Batan, Aklan – Dead on the spot ang driver ng motorsiklo at sugatan naman ang back rider nito matapos na maaksidente kagabi sa Brgy. Cabugao, Batan, Aklan. Ang namatay ay kinilalang si Dexter Flaviano, 17-anyos habang ang back rider nito na kanyang tiyuhin ay nakilalang si Michael Flaviano, sa tamang edad lahat residente ng Brgy. Lumaynay, Altavas, Aklan. Ayon kay PSSgt. Laos ng Batan PNP na galing sa Brgy. Lumaynay ang mga ito at pagdating sa Brgy. Cabugao, Batan partikular sa may ginagawang tulay ay nag overshoot ang kanilang sinasakyang motorsiklo. Tumilapon ang mga biktima at tumama sa mga nga naka stock na bakal kung saan itong si Dexter ay nagtamo ng fatal na pinsala sa ulo habang si Michael ay nagtamo rin ng fracture at sugat sa katawan na sa ngayon ay kasalukuyang ginagamot sa Altavas Hospital. Nag responde sa lugar ang Batan MDRRMO at Batan PNP para ma rescue ang mga biktima at dinala sa Altavas Hospital pero idineklarang dead on arrival ng doktor si Dexter. Sa pag-imbestiga napag-alaman na naka inum ang dalawa ng mangyari ang aksidente.

Facebook Comments