MOTORSIKLO NAGLIYAB SA URDANETA CITY MATAPOS SUMALPOK SA PICK-UP; RIDER RETIRADONG PULIS

Sinubukan pang itakbo sa ospital ang rider ng motorsiklong nagliyab matapos sumalpok sa isang pick-up sa kahabaan ng Brgy. Nancayasan, Urdaneta City ngunit idineklara na itong dead on arrival.
Saad ng Urdaneta City Police Station Deputy Chief Police Major Hermilita Guitering, kinilala ang rider na si Norman Coronia isang retiradong Pulis na mula sa siyudad ng Baguio.
Dagdag nito, galing sa isang charity ride ang rider sa Tarlac City at nakatakda na sanang umuwi sa Baguio City.
Sa ngayon, handa umanong magsampa ng kaso ang pamilya ng biktima sa driver ng pick-up at tumanggi na ring magbigay ng anumang pahayag ang driver ng pick-up.| ifmnews
Facebook Comments