MPBL | Batangas City Athletics, tinalo ang Quezon City Capital; Caloocan Supremos, panalo kontra Pasig Pirates

23

Tinalo ng Batangas City Athletics ang Quezon City Capitals sa kanilang naging laban kahapon sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup na ginanap sa Caloocan Sports Complex.

Nanalo ang Batangas sa score na 95-90.

Hindi naman pinaporma ng Caloocan Supremos ang Pasig Pirates sa second game.

Tinamabak ng Caloocan ang Pasig sa score na 91-81 kung saan ngayong araw ay maghaharap naman ang Davao Occidental Tigers kontra Imus Bandera habang gagamitin naman ng Laguna Heroes ang kanilang home court advantage laban sa Zamboanga Valientes.

Facebook Comments