MPBL | Mandaluyong El Tigre, hindi nakaporma sa Muntinlupa Cagers

40

Manila, Philippines – Hindi pinaporma ng Muntinlupa Cagers ang Mandaluyong El Tigre sa opening game ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup na ginanap sa Araneta Coliseum.

Tinalo ng Muntinlupa ang Mandaluyong sa score na 86-74 kung saan nanguna para sa Cagers ang dating mga PBA players na sina Chito Jaime na may 17-points at Allan Mangahas na may 16-points.

Nasayang naman ang double-double performance ni Ray Parks Jr. na may 21-points at 10-rebounds dahil maaga itong na foul trouble kaya at hindi na nagawang makahabol pa ng Mandaluyong.

Facebook Comments