MPBL | Manila Stars, tinalo ang Cebu City Sharks sa MPBL Datu Cup

38

Hindi pinaporma ng Manila Stars ang Cebu City Sharks sa kanilang naging laban sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup na ginanap sa Cuneta Astrodome.

Tinambakan ng Star ang Sharks sa score na 107-76 kung saan nanguna sa panalo ng Manila ang dating PBA player na si Reil Cervantes na may 19-points.

Nabatid na nagawa ng Manila na gawing scoreless ang Cebu sa first quarter ng laban sa score na 27-0 na kauna-unahang nangyari sa isang team sa anumang liga sa Pilipinas.

Dahil sa panalo, nasa ikalawang pwesto na ang Stars na may 3-1 win/loss record.

Facebook Comments