MPBL | Mga dating PBA players, ipaparada ng Manila Stars

179

Manila, Philippines – Ipaparada ng Manila Stars sa nalalapit na season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ang mga dating players ng PBA.

Ilan sa kanila ay sina Roger Yap, Joseph Yeo, Larry Rodriguez, Reil Cervantes at Jerwin Gaco.

Ayon kay Manila Stars Coach Philip Cezar, bagama’t itinuturing niyang may mga edad na ang mga nasabing player, malaki pa din daw ang maibibigay na tulong nito sa kauna-unahan nilang pagsabak sa MBPL.

Bukod sa mga dating PBA players, kumuha din si Coach Philip ng mga college player kung saan hindi pa nito isinasapinal ang kumpletong listahan ng kaniyang mga manlalaro.

Pina-plantsa naman na nina MPBL Commissioner Kenneth Duremdes at Chief Operating Officer Zaldy Realubit ang iba pang isyu bago magsimula ang liga sa Araw ng Kagitingan o June 12.

Facebook Comments