MPD gate, nanatiling sarado para sa seguridad

13

Manila, Philippines – Mahigpit ang ipinatupad ng seguridad ng MPD Headauarters matapos na sunod-sunod na kilos protestang inilunsad ng mga militanteng grupo sa ibat ibang lugar sa Manila.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo nais nilang matiyak na ligtas ang mga personnel ng MPD kayat ikinandado nila ang gate at iniharang pa ang trak ng MPD.

Paliwanag ni Margarejo naniniguro lamang sila sa magiging gagawing hakbang ng mga militanteng grupo matapos maaresto at makulong ang isa sa kanilang lider nang magkaroon ng kaguluhan sa TM Kalaw Ermita Manila.

Giit ng tagapagsalita ng MPD hindi nila batid ang takbo ng isip ng mga militanteng grupo na anumang oras simula ngayon ay may posibilidad na lulusob ang mga ito sa MPD Headquarters.

Facebook Comments