
Nakipag-ugnayan ang pamunuan Manila Police Ditrict (MPD) sa mga pribadong kompanya at establisyimento bilang bahagi ng information and dissemination drive.
Ilan sa mga hakbang na ito ay ang pagpapakalat ng mga poster at tarpaulin na may mga hotline number ng Philippine National Police (PNP) at 14 na station ng MPD.
Bukod pa ito sa giant led screen na makikita ang mga hotline number ng MPD na nasa isang building sa kanto ng Reina Regente Street at Plaza Lorenzo Ruiz Street sa Binondo.
Ang nasabing hakbang ng MPD ay para malamam at agad na makahingi ng tulong ang publiko sakaling may mga hindi inaasahang insidente.
Paraan din ito para maipalaganap pa ang mga hakbang sa usapin ng public safety sa pamamagitan ng agarang komunikasyon sa lahat ng police station ng MPD.