MPD, nagsagawa ng harana ngayong Valentine’s Day sa Central Station

39

Manila, Philippines – Sinalubong ng mainit na pagbati sa pamamagitan ng pagharana sa lahat ng mga mananakay ng LRT Station sa Central Station Arroceros Manila ng mga tauhan ng Manila Police District.

Nagbigay ng bulaklak na rosas ang mga tauhan ng MPD sa lahat ng mga pasahero ng LRT bilang pagpapakita ng kanilang mainit na pagmamahal sa lahat ng mga sumasakay ng tren.


Nagpatugtog na banda ang mga tauhan ng MPD ng mga love song kasabay ng pag aabot ng mga bulaklak sa lahat ng mga sumasakay ng tren.

Ayon kay MPD District Director Chief Supt. Vicente Danao Jr. nagpapakita lamang na pagbibigay suporta sa publiko ngayong Araw ng mga Puso ang ginagawa ng mga pulis sa pagbibigay nila ng mga rosas upang maibalik ang tiwala ng publiko sa mga pulis.

Facebook Comments

From Advertisers