MPD, pinangaralan ni PBGen. Danao bago malipat ng pwesto

899

Sa kanyang huling talumpati, pinangaralan ni outgoing MPD Director PBGeneral Vicente Danao Jr. ang mga kagawad ng Manila Police District (MPD) sa katatapos na flag ceremony ngayong umaga.

Ayon kay Danao, alanganin siya noon na maging director ng MPD dahil sa napakaraming problema na kanyang kakaharapin na kailangang lutasin.


Lubha din daw talamak ang illegal drugs, katiwalian at korapsiyon sa hanay ng pulis na nakalulungkot at idagdag pa rito ang mga ninja cops.

Gayunman, sa nakalipas na 11 buwan at 13 araw na kanyang pamumuno ay nagkaroon ng pagbabago at nanatiling high morale ang MPD sa kabila nang pagkaladkad ng imahe nito.

Si Danao ay naluklok bilang Regional Director ng Calabarzon at papalit sa kaniyang pwesto bilang MPD director si PBGen. Bernabe Balba.

Facebook Comments

From Advertisers