Mrs. Philippine Globe 2019 nasungkit ng Pangasinan

Wagi ang ganda ng isang Ina na tubong Pangasinan sa katatapos lamang na Mrs. Philippine Globe 2019 na ginanap sa Taguig City.
Kinoronahan noong ika- 19 ng Oktubre 2019 si Mariz Songcuan, 26 taong gulang na mula sa San Fabian Pangasinan bilang bagong Mrs. Philippine Globe 2019.
Nasungkit din nito ang Simone Swimwear Body Beautiful at Colours Woman of Style 2019.
Nakatakdang makipagtagisan ng ganda si Songcuan sa Shenzhen China sa susunod na buwan para sa Mrs. Globe World.
Ito na ang ika walong taon ng prestiyosong pageant.
— Photo credit: Jean Benedicto
*DWON 104.7 iFM Dagupan* 3rd Floor Marigold Building M.H. Del Pilar Street Dagupan City 2400
*Tel.* (075) 632-2255 Fax. (075) 632-3390 *FB.* facebook.com/ifmdagupan <facebook.com/ifmdagupan>

Facebook Comments