MRT-3, may alok na libreng sakay para mga kababaihan bukas

Magbibigay ng libreng sakay ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa mga kababaihan bukas, March 8.

Ito ay bilang pakikiisa sa selebrasyon ng National Women’s Month.

Batay sa kanilang abiso, magsisimula ang libreng sakay mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga para sa unang bugso.


Ang ikalawang bugso naman ay magsisimula ng alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Tiniyak naman ng pamunuan ng MRT-3 na mahigpit pa rin nilang ipatutupad ang health protocols laban sa COVID-19 at ang 7 commandments nito.

Facebook Comments