MRT-3 may libreng sakay sa Lunes, September 19 bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Philippine Civil Service anniversary

Magandang balita!

Magkakaroon ng libreng sakay ang MRT-3 para sa mga lingkod bayan o kawani ng gobyerno sa Lunes, September 19, 2022.

Ito’y bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Philippine Civil Service anniversary.


Ayon kay MRT-3 General Manager Engr. Federico J. Canar Jr., ang libreng sakay ay isang simpleng pagpapakita ng pasasalamat sa lahat ng mga lingkod bayan na tapat at buong dedikasyon na nag-aalay ng kanilang galing upang mapaglingkuran ang bansa.

Magsisimula ang libreng sakay mula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 hanggang 7:00 ng gabi.

Para makapag-avail ng libreng sakay, magpakita lamang ng valid government ID sa MRT-3 personnel na matatagpuan sa service gate ng bawat istasyon upang mabigyan ng magnetic single journey ticket.

Ang parehong magnetic single journey ticket ay dapat iiwan ng pasahero sa service gate ng bababaang istasyon.

Facebook Comments