MRT-3, may libreng sakay sa Rizal Day, December 30

40

Inanunsyo ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 na may handog itong libreng sakay sa darating na Rizal Day, December 30.

Ito’y bilang pakikiisa ng pamunuan ng MRT-3 sa paggunita at pag-alala ng buong bansa sa kabayanihan ni Gat Jose Rizal.

Ang libreng sakay ay mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM, at mula 5:00 PM hanggang 7:00 PM


Nagpaalala ang MRT-3 management sa mga sumasakay sa tren na mahigpit pa ring ipatupad ang COVID-19 health and safety protocols sa buong linya bilang bahagi ng pag-iingat sa gitna ng banta pa rn ng COVID-19.

Facebook Comments