MRT-3, nagkaaberya ulit

Manila, Philippines – Muli na naman nagkaaberya ang isang tren ng Metro Rail Transit (MRT-3) habang binabagtas ang northbound.

Sa abiso ng MRT sa twitter, alas 8:29 ng umaga nang pababain ang mga pasahero sa northbound ng Buendia station.

Ito ay makaraang magkaroon ng interlocking habang bumibiyahe ang isang tren kung saan agad namang dinala ang tren patungo sa depot para makumpuni.


Naibalik din agad sa normal ang biyahe pero marmaing pasahero ang nagalit dahil sa kasagsagan ito ng oras ng pasok.

Facebook Comments