MRT-3, nakamit na ang 100 percent testing at commission ng bago at upgraded signaling system ng rail line

Halos 100 percent nang nakamit ang testing at commissioning ng bago at modernong signaling system ng MRT-3.

Bahagi ito ng malawakan at komprehensibong rehabilitasyon ng rail line.

Ang modernong signaling system ay isinailalim sa mga serye ng test.


Mahigpit din ang monitoring habang ginagamit ito hanggang sa katapusan ng buwan.

Naayos na napapatakbo ang mga tren sa ligtas na distansiya sa mainline dahil sa inayos na system

Nabatid na mahigit 20 taon na ang lumang signaling system at karamihan sa mga components ay nasa kanilang end-of-life stage na.

Nakatakda nang magtapos ang rehabilitasyon ng MRT-3 ngayong buwan ng Disyembre 2021.

Facebook Comments