MRT-3, nakapagtala ang mahigit 193,000 na bilang ng naisakay kahapon

66

Naitala kahapon ng MRT-3 ang mataas na bilang ng mga pasahero na sumakay sa tren.

Sa record ng MRT-3 management, pumalo sa 193,891 ang kabuuang pasahero na sumakay mula 5:30 ng umaga hanggang 10:30 ng gabi.

Ito ay resulta ng mas pinataas na passenger capacity, mas mabilis na pagbiyahe ng mga tren at pagkakaroon ng mataas na bilang ng mga running at operational na train sets sa linya.


Dinagdagan ang kapasidad ng mga tren sa 70% o 276 na pasahero kada train car sa ilalim ng pagpapatupad ng Alert Level 2 sa Metro Manila.

Ang average train sets na tumatakbo sa mainline ay nasa 17-21.

Nauna nang sinimulan patakbuhin ang mga tren sa linya sa bilis na 60kph mula sa dating 50kph.



Dahil dito, nabawasan 3.5 hanggang apat na minuto ang average headway o oras sa pagitan ng mga tren mula sa dating 8.5-9 na minuto.

Facebook Comments