MRT-3, nakapagtala na ng mataas na bilang ng mga pasahero kasunod ng pinabilis na takbo ng mga tren nito

51

Nakapagtala na ng pinakamataas na bilang ng pasahero ang MRT-3 kasunod ng pinabilis na takbo ng mga tren, mas pinataas na passenger capacity at dagdag na bilang ng mga running at operational na train sets sa linya.

Base sa tala ng pamunuan ng MRT-3, umabot ng 104,346 na commuters ang sumakay sa mga tren kahapon.


Dinagdagan ang kapasidad ng mga tren sa 30% o 124 na pasahero kada train car at 372 na pasahero bawat train set mula sa dating 13% lamang.

Mas pinabilis na rin sa 50 kilometer per hour (KPH) ang takbo ng mga tren mula sa dating 40 kph simula noong Nobyembre 2.

Dahil dito, nabawasan ang average headway o oras sa pagitan ng mga tren mula 8.5 hanggang 9 na minuto sa 20 tren, pababa ng 4 hanggang 5 minuto.

Facebook Comments