MRT at LRT may libreng sakay ngayong Araw ng Kalayaan

150

Magandang balita lalo na sa mga pasahero ng MRT, LRT Line 1 at Line 2 dahil may libreng sakay ngayon sa nabanggit na tren.

Ayon sa DOTr, ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-121 kasirinlan ng Pilipinas, June 12, 2019.


Epektibo ang libreng sakay sa MRT at LRT mula alas-siete ng umaga hanggang alas-nuwebe ng umaga.

Ganun din mamayang alas- sinco ng hapon hanggang alas-siete ng gabi.

Samantala, paglilinaw ng DOTr walang libreng sakay sa mga pasahero ng PNR.

Facebook Comments

From Advertisers