MRT, determinado na mapatakbo ang mga bagong tren sa Hunyo

42

Manila, Philippines – Determinado ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) na mapatakbo na ang mga bagong tren sa buwan ng Hunyo.

Ayon kay MRT General Manager Deo Manalo – sinusubukan na lang nila ang signal link at hinihintay ang safety certification para matiyak na ligtas ang mga bagong tren.

Samantala, bago matapos ang taon, inaasahang matatapos na ang pagdaragdag ng power supply para mas maisaayos ang operasyon ng mga tren ng MRT.

Tinututukan na rin nila ang konstruksyon ng emergency parking para mas maraming tren pa ang maka-biyahe.
Nation”

Facebook Comments