MS. EVERYTHING, TINULUNGAN NI “DARNA” PAGKATAPOS SIRAIN NG BAGYONG AMBO ANG BAHAY NITO

May 15 noong mag-post sa twitter account nito si Ericka Camata o mas kilala bilang Ms. Everything ng litrato ng kanilang bahay na sinira ng bagyong Ambo. Si Ericka ay taga Calbayog, Western Samar, kung saan isinailalim noong kasagsagan ng bagyo sa signal number 3.

Natanggal ang bubong at bumigay ang pader ng kanilang tahanan at maya caption itong inilagay ni Ms. Everything na, “Our home. We our safe. No worrying everyone”. Napansin naman ang nasabing tweet ng aktres na si Angel Locsin, nag-reply ito at tinanong kung saan ang location ng online influencer. Bagamat hindi nakapag-reply agad si Ericka, maraming netizens ang nagsabi kung saan ang exact location nito.

Hindi na pinakita o binanggit pa ni Angel at Ericka kung ano nga ba ang tulong na binigay nito sa kanya. Pero ayon sa facebook post ni Ms. Everything nitong linggo na may caption na “Thank you so much, Darna” indikasiyong nakarating na ang tulong mula sa aktres. Bukod dito may mga ilan pang netizens ang nag-paabot ng ilan pang tulong at pledges na ipinaabot sa pamamagitan ng mobile app wallet.


Patunay na kung may maganda kang kontribusiyon sa buhay ng iba, siguradong susuklian ka sa panahong mangangailangan ka.

Facebook Comments